Partylist solon, itinutulak ang pagsasabatas ng panukalang “Blue Economy Act”

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang halaga ni Bicol Saro party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan ang agarang pagsasabatas panukalang “Blue Economy Act” para sa “whole-of-nation approach” upang protektahan at i-develop ang mayamang marine at coastal resources ng bansa.

Ang naturang hakbang ay kabilang sa legislative priorities sa patnubay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay Yamsuan, panahon na para sa bansa na bigyang prayoridad ang yamang dagat para sa matatag na ekonomiya at makapag-ambag sa hangarin ng mundo na “sustainability”.  

Ang panukala ay iniakda ni Cong. Yamsuan kasama sina Camarines Sur Representatives LRay Villafuerte, Miguel Luis Villafuerte, at Tsuyoshi Anthony Horibata na siyang naatasan na mag-consolidate ng anim na panukalang batas sa “Blue Economy”.

Diin ng mambabatas, bilang “world’s second-largest archipelagic state” na may pinakamahabang coastline, malaki ang potensyal ng bansa na maging lider sa paglago ng “Blue Economy”.

Sa ilalim ng draft substitute bill, ang National Coast Watch Council ay muling bubuuin bilang National Maritime Council.

Aniya, layon din ng proposed Blue Economy Framework na pagyamanin ang scientific understanding sa marine and coastal ecosystems ng bansa at magamit ito sa decision making at pagresponde sa nagbabagong maritime environments. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us