Pinangunahan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang seremoniya ng pamamahagi ng mga firetruck para sa kanilang mga barangay.
Ito’y para maging kaagapay ng mga Komunidad sa lungsod sa panahon ng sakuna tulad ng sunog gayundin sa iba pang mga programa.
Kabilang sa mga dumalo sina Pasig City Representative Roman Romulo, Vice Mayor Dudot Jaworski, gayundin ang mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod.
Dumalo rin si Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR) Director F/CSupt. Nahum Tarroza at ang mga opisyal ng BFP.
Ayon sa Pasig City LGU, sa kabuuan ay mayroon nang 28 firetrucks na natanggap ang lungsod kung saan, 11 rito ang ipinamahagi sa mga barangay.
Suporta anila ito sa mga kasalukuyang firetruck na hawak ng mga barangay upang maging kaagapay ng Pamahalaang Lungsod sa ilalim ng Disaster Risk Reduction and Management Office at Bureau of Fire Protection.
📸: PASIG LGU