Muling magbubukas ng mga limitadong slot ang Department of Foreign Affairs (DFA), katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig, para sa mga Taguigueño na gustong mag-apply ng bagong passport o mag-renew nito sa pamamagitan ng Passport on Wheels program.
Magsisimula ang programa sa Oktubre 9-10, 2023, mula 9:00 am hanggang 4:00 p.m. sa Lakeshore Hall, Lower Bicutan.
Pinayuhan ng Taguig LGU ang mga residenteng interesado na kailangang personal na magpakita ng mga kinakailangan sa Civil Registry Office sa panahon ng pre-application period.
Ito’y magsisimula bukas, Setyembre 13, at tatagal hanggang sa magkaroon ng mga slot, 8.30 am hanggang 4.30 p.m. tuwing Lunes hanggang Sabado.
Ang Civil Registry Office ay magsisilbi sa 100 aplikante bawat araw.
Ang mga paunang aplikasyon na inaprubahan ay magpapatuloy sa Passport on Wheels venue kung saan 1,400 slot ang kanilang inilaan para sa naturang programa.
Para sa mga katanungan, mangyaring bisitahin o tawagan ang Civil Registry Office sa 8-628-2808. | ulat ni AJ Ignacio