Payout ng cash aid para sa micro rice retailers, pabibilisin ng DSWD at DTI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagpulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang Department of Trade and Industry (DTI) ngayong araw, para pabilisin ang payout sa micro rice retailers sa buong bansa

Ang pulong ay pinangunahan nina DSWD Secretary Rex Gatchalian at DTI Undersecretary Carolina Sanchez at iba pang opisyal.

Partikular na tinalakay sa pulong ang pagtukoy sa timelines para sa payout ng Sustainable Livelihood Program (SLP)-Cash Assistance sa micro rice retailers.

Napagkasunduan ng dalawang ahensya na isasapinal ng DTI ang iskedyul para mapabilis ang mga aktibidad sa pagbibigay ng cash aid.

Ayon sa DSWD, napapanahon ang bigay na tulong sa mga micro retailer na apektado ng Executive Order No. 39, na nag-utos ng price cap na P41 at P45 sa regular at well-milled rice. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us