Ibinida ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang magandang kooperasyon ng Pilipinas at ng Singapore sa larangan ng pakikipagkalakalan.
Sa harap ng nagpapatuloy na paghikayat ng Pangulo sa mga dayuhang mamumuhunan sa Singapore ay inihayag nitong mas naging mayabong pa ang kooperasyon ng dalawang bansa noong pandemya.
Noong isang taon lang ayon sa Pangulo ay tumaas ang Philippine exports sa Singapore ng 16.98% US $4.91 billion kumpara sa US $ 4.2 billion noong 2021.
Isa pang patunay na isang matibay na economic partner ng Pilipinas ang Singapore ay ang pagiging malaking source of foreign direct investments nito noong 2021 na kung saan, pumalo ito sa US $761 million.
Nagpatuloy aniya ang magandang trend sa pamamagitan ng commitment ng Singapore na maglagak ng foreign investment pledges na nakaambag sa magandang economic expansion ng Pilipinas na umabot da 7.6% noong isang taon.
Ito ang pinakamataas na naitalang paglago ng Pililinas sa nakalipas na 46 na taon. | ulat ni Alvin Baltazar