Muling siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang problema ang bansa kung ang pag-uusapan ay suplay ng bigas.
Sa ginawang pamamahagi ng bigas ng Pangulo sa Iriga, Camarines Sur, inihayag ng Punong Ehekutibo na maraming bigas, dangan lang at hindi nailalabas ng tama.
Kung tutuusin nga sabi ng Pangulo ay mas marami ang maaani ngayong taong ito kaysa sa nakaraan.
Kailangan lang aniyang ayusin ang sistema mula sa pagtatanim, processing hanggang sa distribution marketing at retail.
Ito aniya ang inaayos ngayon sabi ng Pangulo sa harap ng pagnanais ng pamahalaan na masiguro ang katatagan sa suplay ng bigas. | ulat ni Alvin Baltazar