PBBM, sinertipakahan urgent ang panukalang batas na magtatakda ng mas mabigat na kaparusahan vs. agricultural economic sabotage

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapapaspasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Kongreso ang pagpasa sa panukalang batas na magbibigay ng mas matinding kaparusahan sa agricultural economic sabotage.

Base sa liham ng Pangulo kay Senate
President Juan Miguel Zubiri na may petsang September 20, 2023 ay, sinertipikahan ito bilang urgent ang Senate Bill No. 2432.

Nais kasi ng Pangulo na mabigyan ng proteksyon ang mga nasa agrikultura gaya ng mga mangingisda at magsasaka mula sa mapagsamantalang mga negosyante at importers.

Saklaw sa mas mabigat na kaparusahan ang mga masasangkot sa smuggling, hoarding, profiteering, at kartel ng agricultural at fishery products na maaaring mapatawan ng habang buhay na pagkabilanggo at multa ng tatlong makaulit sa halaga ng ipinupuslit na mga kontrabando.

Sinoman na opisyal o kawani  naman ng pamahalaan na mapatutunayang sangkot sa economic sabotage ay daragdagan ng kaparusahan na hindi na kailanman pa makakapasok sa alinmang public office, paglahok sa halalan, magkaroon ng partisipasyon sa anomang public election, at pagpawalang bisa o pagbawi sa lahat nitong benepisyo.

Bukod dito ay may kakaharapin ding criminal case ang mapapatunayang nagkasala bukod pa sa habang buhay na disqualification sa anupamang negosyong may kinalaman sa importation, storage, at warehousing, at pangangalakal ng mga produktong pang agrikultura at pangisda.  | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us