Nag-deploy na ang Philippine Coast Guard ng tatlong segments ng oil spill boom, absorbent pads at absorbent booms para makontrol ang oil spill sa may karagatan ng Naga, Cebu.
Ayon sa coast guard, ang oil spill ay dulot ng paglubog ng MTUG SUGBO 2 na nasa karagatan ng nabanggit na lugar.
Base sa inisyal na imbestigasyon, tumawag ang crew ng naturang sasakyang pandagat sa PCG para magpasaklolo matapos madiskubre ang sira sa steering portion sa loob ng engine room.
Sinubukan gawan ng paraan ng crew ng MTUG SUGBO ang nasabing sira subalit dahil sa sama ng panahon ay kinailangan ng mag-anunsyo ng ‘abandon ship’ para sa kaligtasan ng lahat.
Sa ngayon walang naiulat ang pcg na sugatan o nasawi dahil sa naturang insidente. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: PCG