Peace and security efforts ng Marcos admin, malaking tulong sa pagpapalago ng turismo — DOT

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Tourism o DOT ang suporta nito sa whole-of-nation approach ng Administrasyong Marcos Jr. sa pagtataguyod ng seguridad at kapayapaan sa bansa.

Ito ang tinuran ni Tourism Sec. Ma. Christina Frasco makaraang manumpa ito bilang isa sa mga Cabinet Officer for Regional Development o CORDS.

Magugunitang pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ikalawang pagpupulong ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC ExeCom meeting nitong Agosto.

Si Frasco ang naitalaga bilang CORDS sa binuong Joint Regional Task Force sa Central Visayas bilang siya ay nagmula sa lalawigan ng Cebu.

Ayon kay Frasco, malaki ang maitutulong sa turismo ng bansa kung mapayapa at ligtas ang bawat lugar na lilikha ng mas maraming trabaho at makahikayat ng maraming negosyo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us