Kasabay ng pagsisimula ng pagdiriwang ng National Peace Consciousness Month ngayong buwan ng Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU), isa sa kanilang makabuluhang aktibidad ay ang “kaPEACEtahan” na ginaganap ngayon sa isang mall sa Quezon City.
Ang taunang aktibidad na ito ay nagbibigay ng oportunidad sa peace partners nitong ipamalas ang kanilang mga negosyo sa publiko, ipakita ang kanilang mga talento o mga produktong gawa ng kanilang lugar na siyang resulta ng isang peaceful and developed community dahil na rin sa tulong ng nasabing ahensya.
Kabilang sa mga dumalo sa nasabing aktibidad sina Albay Congressman Joey Salcedo, Abdulcader Alsufi, National Coordinating Body of Clubs for UNESCO in the Philippines (NCBCUP) na Pinangunahan ni OPAPRU Secretary Carlito Galvez, Jr.
Dito, mabibili ang mga makukulay na local products mula sa iba’t ibang lugar ng bansa, mga prutas, pang-agrikultura, at marami pang iba.
Sa nasabing okasyon, ipinamalas din ng Kabpapagariya Ensemble ng MSU-General Santos ang kanilang napakahusay na talento.
Mabibisita ang “kaPEACEtahan” sa Trinoma Mall Activity Center sa Quezon City hanggang sa ika-8 ng Setyembre. | ulat ni Princess Habiba Sarip-Paudac