Para mas mapalakas pa ang monitoring ng mga paggalaw ng ecozone goods sa bansa lumagda ng isang kasunduan ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) at ang Bureau of Costoms (BOC) para sa data sharing agreement ng dalawang ahensya
Ayon kay PEZA Director General Tereso Panga, layon ng naturang kasunduan ay alinsunod sa Electronic Transfer of Containerized Cargo (E-TRACC) system na naglalayong magkaroon ng maayos na monitoring ng mga or economic good sa bansa.
Dagdag pa ni Panga na magkakaroon na ng acess ang PEZA upang mas mapabilis pa ang movement ng bawat produkto sa bansa.
Sa huli nagpasalamat si DG Panga sa BOC sa pagbibigay ng kasunduan sa peza upang makatulong sa pagsasaayos ng monitoring ng dalawang ahensya. | ulat ni AJ Ignacio