Nagsanay sa aeromedical evacuation ang isang Platoon ng Army Aviation Regiment, 5th Infantry Division, 77th Infantry Battalion, at 2nd Regional Community Defense Group.
Bahagi ito ng limang araw na Philippine Army at Philippine Air Force (PAF) Interoperability Exercise (IOX) na isinasagawa sa Headquarters ng 5th Infantry Division, sa Camp Melchor Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.
Ang pagsasanay sa Aeromedical evacuation ay
bilang pang-suporta sa territorial defense, internal security operations, at iba pang ground operations.
Ang Interoperability exercise na sinimulan nitong Lunes ay nilalahukan 836 tauhan ng Philippine Army at Philippine Air Force, sa layong mapahusay ang kanilang kapabilidad, kahandaan, at kakayahang sabayang magsagawa ng operasyon. | ulat ni Leo Sarne
📸: 5ID