Sinimulan kahapon ng Philippine Army at Philippine Air Force ang kanilang “Interoperability Exercise” sa Headquarters ng 5th Infantry Division, sa Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.
Kalahok sa limang araw na ehersisyo ang 836 tauhan ng Philippine Army at Philippine Air Force sa layong mapahusay ang kanilang kapabilidad, kahandaan, at kakayahang sabayang magsagawa ng operasyon.
Kabilang sa pagsasanay ang Command Post Exercises, Field Training Exercises, Subject Matter Expert Exchanges, Air-to-Ground Operations, Close Air Support, Fast Rope Insertion Extraction System, Military Free Fall, Hoist, Communication and Support System, at Sustainment Operations.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni 5th Infantry Division Commander Major General Audrey Pasia ang pagsasanay ay pagkakataon din para mapalakas ang camaraderie sa pagitan ng mga sundalo at airmen. | ulat ni Leo Sarne
📸: 5th Infantry Division