Phil. Navy, nagsanay ng swarming tactics

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matagumpay na naisagawa ng Philippine Navy, Naval Task Force 61 sa ilalim ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM) ang Joint 3rd Quarter Naval Gun Test Firing and Capability Demo sa karagatan ng Dasalan Island, Basilan nitong Linggo.

Ang Joint exercise ay nilahukan ng BRP General Mariano Alvarez (PS38), BRP Nestor Acero (PG901), BRP Domingo Deluana (PG905), BRP Florencio Iñigo (PC393) at BA485 at BA487 ng 1st Boat Attack Division.

Bukod sa live gunnery exercise, nagsanay din ang mga barko sa swarming tactics at coordinated maneuvers na sumubok sa pangkalahatang kakayahan ng mga kalahok na barko.

Ang pagsasanay ay para ma-evaluate at masiguro ang “operability, accuracy and effective operation” ng lahat ng naval combat systems, gun crew at fire control operators ng naturang mga barko. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us