PhilHealth, target bayaran ang ₱27 bilyong pagkakautang sa mga ospital sa loob ng 90 araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako si PhilHealth President Emmanuel Ledesma Jr. na babayaran ang pagkakautang sa mga ospital at mga doktor.

Sa pagsalang sa deliberasyon ng P311 billion budget ng Department of Health para sa 2024, natanong ni AGRI party-list Rep. Wilbert Lee kung magkano na ba ang utang ng state health insurer sa mga ospital at doktor at kung kailan nila ito planong bayaran.

Ipinupunto ng kongresista na dahil sa mga pagkakautang na ito, marami ang ospital ang hindi tumatanggap ng pasyente kung gagamit ng PhilHealth.

Ito ay kahit pa may pera naman aniya ang ahensya.

Katunayan mayroon aniyang P456 billion investible funds at P68.4 billion na net income hanggang nitong Hulyo.

Tugon ni Ledesma, sa kabuuan ay mayroon P27 billion na utang ang PhilHealth.

P13 billion dito ang kasalukuyan nang pinoproseso.

Target naman aniya nila na mabayaran ang bulto o kung hindi man ay ang kabuuan nito sa loob ng 90 araw sa pamamagitan ng Debit-Credit-Mechanism Formula. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us