Philippine at Canadian navy, nagsagawa ng joint sail sa West Philippine Sea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matagumpay na nagsagawa ng joint sail o sabayang pagpapatrolya sa West Philippine Sea ang BRP Antonio Luna (FF151) ng Philippine Navy at Royal Canadian Navy Halifax-class frigate HMCS Ottawa (FFH341).

Nagsimula ang aktibidad kahapon ng 7:23 ng umaga sa pagtatagpo ng dalawang barko sa bisinidad ng Malampaya Natural Gas Platform, kasunod ng pagsasagawa ng Officers of the Watch (OOWs) maneuvers na tumagal hanggang alas-10 ng umaga.

Ito’y kasunod ng unang joint sail na isinagawa ng Philippine Navy at U.S. Navy sa karagatan ng Palawan noong Setyembre 4.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Enrico Gil Ileto, ang joint sail ay bahagi ng regular na aktibidad ng Philippine Navy kasama ang kanyang mga “partner”.

Ipinapakita aniya ng dalawang joint sail ang commitment ng Pilipinas, United States, at Canada na itaguyod ang rules-based international order sa West Philippine at panatlihin ang isang bukas na Indo-Pacific region. | ulat ni Leo Sarne

📷: WESCOM

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us