Inaasahang magiging makabuluhan ngayong araw ang pagsasara ng 2023 Philippine Creative Industries Month na isinasagawa ngayong araw sa PICC sa Pasay City.
Highlight ng closing ceremony ang iba’t ibang mensahe ng suporta para sa Creative Industry mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, signing ng mga memorandum of agreement na nagpapakita ng suporta sa creative sector.
Inaasahan ding magbibigay ng kanyang mensahe si Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco kaugnay naman ng Tourism month gayundin ang ilang kawani mula sa Department of Trade and Industry (DTI).
At dahil Closing Ceremony ito ng Philippine Creative Industries Month, inaasahan ang mga creative performances mula sa iba’t ibang grupo tulad ng Serenata Tanglaw ng Bulacan, Brass Band Banda Uno Heneral Concierto, at susundan ng isang Fashion Show at Gala.
Ito ang unang selebrasyon ng Philippine Creative Industries Month matapos mag-lapse into law ang RA 11904 noong July 28, 2022 na layong palakasin ang global competitiveness ng Philippine Creative Industries. | ulat ni EJ Lazaro