Philippine Red Cross, naghatid ng serbisyong medikal sa mga dumalo sa Peñafrancia Festival sa Naga City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbigay ng serbisyong medikal ang Philippine Red Cross Emergency Medical Services Unit sa mga dumalo sa Peñafrancia Festival sa Naga City.

Mahigit 1,000 pasyente ang nabigyan ng tulong ng PRC Emergency Medical Services Unit sa naturang pagdiriwang matapos na mahirapang huminga, mahilo, sumakit ang ulo, at ibang pang karamdaman.

Ayon kay PRC Chairman at CEO Richard Gordon, mahalaga ang pagkakaroon ng Emergency Medical Services Unit sa mga malalaking pagdiriwang gaya ng pagkakaroon ng pre-hospital treatment, ambulansya, at blood supply dahil mataas ang tyansa na mailigtas ang buhay ng isang indibidwal sa panahon ng emergency.

Nasa 2,700 na mga Emergency Medical Services personnel ang idineploy ng PRC sa 10-araw na religious activity habang nasa 10 first aid station ang itinayo sa Naga City para alalayan ang mga deboto.

Ang Pista ng Penafrancia ay idinaraos tuwing ika-17 ng Setyembre sa Naga City kung saan ipinu-prusisyon sa ilog ang mapagmilagrong imahen ng Birhen ng Penafrancia na dinarayo ng mga deboto mula sa iba’t ibang parte ng Bicol Region. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us