Walang patid ang paghahatid ng tulong ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga residente ng Albay na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Ito ay makalipas ang tatlong buwan ay patuloy pa rin ang aktibidad ng bulkan.
Kaugnay nito ay umabot na sa 2.5 milyon litro ng maiinom na tubig ang naipamahagi ng PRC; mahigit 80,000 hot meals, halos 4,000 hygiene kits at sleeping kits; at nagbigay din psychological first aid sa mahigit 5,000 indibidwal at iba pang tulong.
Hinikayat naman ni PRC Chairperson at CEO Richard Gordon ang mga pamilyang nasa evacuation center, na huwag mawalan ng pag-asa, kasabay ng pagtitiyak na patuloy na susuportahan ng PRC ang mga apektadong residente.
Batay sa pinakahuling ulat ng Phivolcs, nagkaroon ng mabagal na pagdaloy ng lava mula sa crater ng Bulkang Mayon, habang nakapagtala rin ng siyam na volcanic earthquake, at 147 na rockfall events sa nakalipas na 24 oras. | ulat ni Diane Lear