Philippine Rice Emergency Response Act, inihain sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinutulak ni Marikina Representative Stella Quimbo ang panukala na layong protektahan ang mga mamimili, magsasaka at retailers oras na magkaroon muli ng problema sa suplay at presyuhan ng bigas sa Merkado.

Punto ni Quimbo, napapanahon ang panukala lalo at dumoble nitong Agosto ang rice inflation sa 8.7% mula sa 4.2% noong Hulyo. Maliban pa ito sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA) na P57 kada kilo ng bigas sa NCR.

Lumaki rin aniya ang ulat ng rice hoarding at posibleng banta ng El Niño.

Sa ilalim ng House Bill 9030 o Philippine Rice Emergency Response Act, bibigyang kapangyarihan ang Pangulo ng Pilipinas na magdeklara ng National Rice Emergency ng hanggang anim na buwan.

Masasabi na may rice emergency kung mayroong matinding kakulangan sa suplay ng bigas, ‘extraordinary’ na pagtaas sa presyo ng bigas o pangmatagalang price increase.

Kabilang sa mga hakbang ma maaaring ipatupad sa panahon ng rice emergency, ang pagpapababa sa taripang ipinapataw sa imported na bigas; pagpapahintulot sa National Food Authority, na mag-angkat para sa buffer stock; gamitin ang unutilized funds ng mga ahensya ng pamahalaan, para sa subsidiya ng mga magsasaka, mamimili at rice retailers; at gamitin ang RCEF para sa pagbibigay ng cash assistance sa mga magsasaka at supplier ng bigas.

Ang sino mang mapatutunayang gumawa ng price manipulation o hoarding ng bigas sa panahon ng rice emergency ay papatawan ng parusang 10 hanggang 30 taon, at multang P1 milyon hanggang P100 milyong.

Mas mataas ito kumpara sa nakasaad sa Price Act na 5 hanggang 15 taong kulong; at multang P5,000 hanggang P1 million.

Ang government employees na mapatutunayang sangkot sa price manipulation ay papatawan ng maximum penalty. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us