PHIVOLCS, muling nagbabala sa volcanic smog sa Bulkang Taal 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na pinag-iingat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga residente malapit sa Taal partikular na sa volcanic smog sa Taal Volcano.

Ayon sa PHIVOLCS, mula nang pumasok ang unang linggo ng Setyembre ay nakakaapekto na sa Taal Region ang volcanic smog.

Bukod dito, nagpapatuloy rin ang upwelling sa Taal Main Crater Lake na nagbuga ng steam plumes na umabot 2,400 metro ang taas.

Nagluwa rin ito ng 4,569 tonelada ng volcanic sulfur dioxide (SO2) gas o asupre.

Ayon sa PHIVOLCS, ang vog ay binubuo ng mga droplet na naglalaman ng volcanic gas at maaari itong magdulot ng iritasyon kung magkakaroon ng mataas na exposure rito.

“People who may be particularly sensitive to vog are those with health conditions such as asthma, lung disease and heart disease, the elderly, pregnant women and children,” ayon sa PHIVOLCS.

Dahil dito, patuloy na pinapayuhan ang mga residente malapit sa bulkan na limitahan muna ang paglabas at palagiang isara ang pinto at bintana upang hindi ma-expose sa volcanic smog.

Hinikayat din ang mga itong takpan ang ilong at magsuot ng N95 face mask.

Nananatili pa ring nakataas ang Alert Level 1 sa Taal Volcano.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us