Nagpulong sina Migrant Workers Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac at ilang opisyal ng Department of Migrant Workers, kasama ang Ambassador ng South Korea sa Pilipinas na si Lee Sang-hwa.
Layon nitong palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa labor sector.
Kabilang sa mga natalakay sa pulong ang renewal ng Memorandum of Understanding sa Employment Permit System o EPS.
Ang EPS ay nagbibigay ng permiso sa mga dayuhan na makapagtrabaho sa Korea ng tatlong taon hanggang apat na taon.
Napag-usapan din sa pulong ang 5th Philippine-Korea Joint Consular Consultation Meeting, at ang panukalang ratipikasyon sa 2019 PH-Korea Social Security Agreement.
Batay naman sa datos ng Migrant Workers Office sa Seoul, South Korea noong 2022, mahigit 25,000 ang mga dokumentadong Pilipino ang nagtatrabaho sa nasabing bansa.
Karamihan sa mga ito ay mga skilled worker gaya ng welders, flame cutters, pati na entertainers, choreographers, at handicraft workers. | ulat ni Diane Lear