Kasalukuyang nagsasagawa ng “bilateral sail” ang Philippine Navy at US Navy sa West Philippine Sea (WPS) sa bisinidad ng Palawan.
Ang aktibidad na isinasagawa sa ilalim ng Mutual Defense Board – Security Engagement Board framework ay sa layong mapahusay ang interoperability ng dalawang navy.
Kalahok sa aktibidad ang guided-missile frigate BRP Jose Rizal (FF150) ng Phil. Navy, at US Navy Alrleigh Burke-class guided missile-destroyer USS Ralph Johnson (DDG 114).
Bahagi ng aktibidad ang pagsasagawa ng Armed Forces of the Philippine (AFP) Naval Task Force 41 at US 7th fleet ng Division Tactics rehearsal, na pagkakataon din para sa dalawang pwersa na masubukan ang kanilang kakayahang pandepensa.
Sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Lieutenant Colonel Enrico Gil Ileto, na patuloy na lalahok sa bilateral at multilateral activities ang AFP na magpapalakas sa kakayahan ng AFP na itaguyod ang soberenya ng bansa. | ulat ni Leo Sarne