Pilipinas, hindi dapat pumayag na harangan ng China ang karagatang sakop ng ating teritoryo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Senador Francis Tolentino na labag sa international law ang paglalagay ng China ng floating barriers sa Bajo De Masinloc o Scarborough Shoal kaya dapat itong maalis kaagad.

Ayon kay Tolentino, ang Pilipinas lang ang pwedeng maglagay ng ganitong palatandaan kung merong oil spill o bahagi ng aquaculture management bilang temporary measure.

Pinunto ng senador na ang Bajo De Masinloc ay 120 nautical miles lamang ang layo mula sa Zambales at ang mga mangingisdang Pilipino ay hindi dapat pahirapan ng China na mangisda sa sarili nating bakuran.

Iginiit naman ni Senadora Risa Hontiveros na hindi dapat pumayag ang Pilipinas na harangan ng China ang ating mga mangingisda sa sarili nating karagatan.

Tiwala si Hontiveros na makakayang i-escort ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ating mga mangingisda at matitiyak na makakalagpas sila sa floating barriers na inilatag ng China.

Muli ring nananawagan ang senadora sa kasalukuyang administrasyon na suriin ang national policy ng bansa pagdating sa China.

Hindi na aniya tayo dapat pumayag na hindi mapaparusahan ang ganitong mga aksyon. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us