Pilipinas, kailangan pang palakasin ang programang pangkalusugan — Health Sec. Herbosa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aminado si Health Secretary Teodoro Herbosa na kailangan pang palakasin ng bansa ang programang pangkalusugan nito.

Sa Budget briefing ng Department of Health, napuri ni Baguio Representative Mark Go ang hangarin ng ahensya na gawin ang Pilipinas bilang isa sa pinakamalusog na bansa sa Asya sa 2040.

Ngunit nang tanungin ng mambabatas kung ano na ba ang estado ng health sector ng bansa kung ikukumpara sa mga kalapit bansa sa ASEAN, inamin ni Herbosa na nauungusan na tayo ng Thailand, Vietnam, at Indonesia.

Aniya, kung ang ating economic status ay nasa middle income country ang ating health sector ay nananatiling “flat” mula sa low middle income.

“We are now classified as a middle income country, and by 2040 we’ll probably be labeled a high middle income country. But our health statistics has remained flat from low middle income,” ani Herbosa.

Ipinunto nito na kumpara sa ibang mga bansa sa ASEAN na napababa na ang “infant mortality,” ang Pilipinas ay “steady” lamang.

Ganito rin aniya ang sitwasyon sa “maternal mortality”.

“…Our ASEAN neighbors…Yung infant mortality natin steady lang. Yung sa kanila talagang bumaba na, napababa na nila with their efforts. Yung maternal mortality ganun din. Tayo medyo steady, bumababa naman, napapababa naman natin, but our neighbors are overtaking us. So parang medyo nahihiya ako bilang Pilipino na yung ating mga Thai and Vietnamese and Indonesian neighbors are overtaking us in parameters for health,” sabi ng kalihim.

Kaya aniya, mahalaga na magpursige na mapantanyan ng maayos at magandang lagay ng kalusugan ang maunlad nating ekonomiya.

“So very important na magpursige pa tayo based on our level of economy. Kasi nga ini-expect tayo ng ibang bansa na maganda ekonomiya natin, dapat healthy din yung ating mga populasyon… We really need to do para gumanda pa rin ang ating health index,” diin ni Herbosa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us