Pilipinas, umaasang makakakuha ng pwesto sa International Maritime Organization Council

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa ang Pilipinas na muli itong makakukuha ng puwesto sa International Maritime Organization (IMO) Council na makatutulong na mapabuti ang maritime industry ng bansa, at maisulong ang kaparatan at proteksyon ng mga marinong Pilipino.

Sa isang pahayag, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista, bilang miyembro ng IMO Council, makikipagtulungan ito sa executive body sa pagpapatupad ng mga responsibilidad na nakapaloob sa convention, code, at protocols.

Sa ngayon, ang Pilipinas ang isa mga bansa na may pinakamalaking maritime crew sa buong mundo. Nasa 385,000 na mga marinong Pilipino ang idineploy ngayong taon, at 171,000 certified Filipino officers ang on-board sa mga marine vessel hanggang nitong Abril.

Ayon kay Bautista, seryoso ang Pilipinas sa pagprotekta sa marine environment sa pamamagitan ng pagbabawas ng greenhouse gas emission at plastic pollution sa karagatan, sa tulong na rin ng international organizations.

Ang Pilipinas ay miyembro ng IMO simula pa noong 1964, naluklok sa IMO Council noong 1997, at signatory sa pagpapatibay ng 28 IMO Conventions. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us