Pinagandang serbisyo ng SSS sa kanilang mga miyembro, pinuri ni Finance Secretary Benjamin Diokno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang Social Security System (SSS) sa mas pinagandang sistema para mapagsilbihan ang mga miyembro nito sa loob at labas ng bansa.

Ito ang mensahe ni Diokno sa kanyang pagdalo sa ika-66 founding anniversary ng SSS.

Ayon sa kalihim, alinsunod sa mandato ng ahensya, patuloy na isinusulong ng SSS ang pagpapatupad ng “enhanced system” upang maserbisyuhan ang vulnerable workers.

Aniya, ang self-employed persons, kabilang ang mga nasa informal sector, ang underserved ng social security services.

Sa pamamagitang SSS e-Wheels at E-Center sa Barangay programs, inilapit ng ahensya ang kanilang serbisyo sa mga tao lalo na sa mga “marginalized communities”.

Dahil dito, binigyang daan ng SSS ang paggamit ng digital platforms upang mas madaling maaccess ng mga miyembro nito ang kanilang tanggapan.  | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us