Pinakamalaking government hospital sa Pangasinan, may napili na para sa Adopt-A-Barangay Project

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napili ang Barangay Gumot sa bayan ng San Fabian, Pangasinan ng Department of Family and Community Medicine (DFCM) ng Region 1 Medical Center (R1MC) para sa kanilang Adopt-A-Barangay Project.

Ang inisyatibo ay bunga ng Community-Oriented Primary Care Project ng nasabing departamento ng pinakamalaking government hospital sa lalawigan ng Pangasinan na gumugol din ng ilang buwan ng mabusising pag-aaral upang matukoy ang benepisyaryong barangay.

Nagkaroon na rin ng ilang serye ng konsultasyon sa pagitan ng R1MC-DFCM at ng Gumot Barangay Council upang plantsahin ang mga detalye ng pinirmahang kasunduan para sa nasabing proyekto.

Kabilang naman sa mga pumirma para sa memorandum ng Adopt-A-Barangay Project para sa panig ng R1MC-DFCM ay sina Dr. Guadalupe Visperas-Songcuan na Chairman for Training, Dr. Maria Leah Casil, Practice-based Training and Community Coordinator at si Dr. Jehan Grace Macaalay, Assistant Coordinator.

Sa panig naman ng benepisyaryong barangay, pumirma sa kasunduan si Punong Barangay Emilio Carino.

Ang Barangay Gumot ay isang “geographically disadvantaged area” na malayo sa sentro ng munisipalidad kaya naman may kahirapan ang pagbibigay ng basic health and social services sa mga naninirahan dito.

Ito ay mayroong 259 households at kabuuang 995 na mga residente. | via Ruel de Guzman, RP1 Dagupan

📷 Region 1 Medical Center – Official/ File photos from Agreement Signing last August 15,2023

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us