Pinakamalaking hybrid cannabis processing plant, itatayo sa Pilipinas ngayong taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sisimulan na ngayong Nobyembre ang pagtatayo ng pinakamalaking hybrid processing plant sa bansa para paghandaan ang legalisasyon sa paggamit ng cannabis bilang sangkap sa paggawa ng gamot.

Ayon kina Mr. Rigel Gomez, isang scientist/inventor at presidente ng Bauertek Corporation at Dr. Richard Nixon Gomez, scientist/investor at general manager ng Bauertek Corporation, ilalagay sa Central Luzon ang naturang planta.

Layon nito na makadagdag sa employment ng bansa at agad magsagawa ng pagproseso sa paggawa ng gamot mula sa marijuana sakaling maisabatas ang legalisasyon nito.

Aminado si Dr. Richard Nixon Gomez, medyo mahaba pa ang tatakbuhin ng naturang panukala ngunit ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na nila ito.

Sa Nobyembre, magsasagawa ng groundbreaking ang Bauertek Corporation pero tumanggi munang banggitin kung saang lugar ito.

Tiniyak ng mag-amang Gomez, ang mga Pilipino ang unang makikinabang sa itatayong Hybrid Processing Plant na nagkakahalaga ng multi-million dollars.

Ang hybrid processing plant ay isang international modern facility na dinisenyo pa sa United States of America upang maging kalidad ang uri ng gamot na ipoproseso.

Sa gagawing groundbreaking ngayong Nobyembre, mahigit 200 na mga manggagawa ang agad kakailanganin ng kompanya para sa isang taon na pagtatayo nito.

Bukod dito, maeengganyo din daw ang iba pang mga Filipino scientist na manatili na lamang sa bansa at hindi na magtungo pa sa ibang bansa. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us