Pumalo sa 1.4 milyon mahigit ang naitala ng Commission on Elections na nagsumite ng interes na maging opisyal ng Sangguniang Kabataan at barangay.
Ayon sa COMELEC, ‘di hamak na mas marami ang bilang ng mga nagsumite ng kanilang COC ngayong taon kumpara noong huling halalang pang-barangay.
Kasabay nito ay nilinaw naman ni COMELEC Spokesperson John Rex Laudiangco na bagamat pinal na ang bilang ng mga COC na kanilang inilibas, ito naman aniya ay sasailalim pa sa pag-aaral para sa mga nakabinbing petisyon na pwedeng magresulta sa kanselasyon ng COC, diskwalipikasyon o mabansagang ‘nuisance’.
Inaasahan naman ayon kay Laudiangco na mareresolba ang mga petisyon sa September 19, 2023. | ulat ni Lorenz Tanjoco