Pinalawak na Young Farmers Challenge Program, ilulunsad ng DA sa Sep. 28

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang ilunsad na ng Department of Agriculture (DA), sa pamamagitan ng Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS) ang pinalawak na Young Farmers Challenge (YFC) Program sa darating na September 28, 2023.

Ayon sa DA, gaganapin ang paglulunsad ng bagong YFC program sa Coconut Palace sa Pasay City kung saan inaasahang dadalo si Senator Imee Marcos.

Sa taong ito, may tampok na bagong components sa YFC program kabilang ang YFC Upscale na isang head-to-head business pitch competition na may financial grant na ₱300,000 para sa bawat regional winner at ₱500,000 sa national winner.

Kasama rin dito ang YFC Intercollegiate Competition na isang Business Model Canvas-based Competition kung saan kalahok ang mga estudyanteng kumukuha ng agriculture at iba pang related courses sa mga State Universities and Colleges (SUCs).

Ito na ang ikatlong taon ng YFC Program na nakapaglaan na ng kabuuang ₱149.25-million start capital funds sa 2,955 young farmers para sa pagbuo nila ng kanilang sariling agribusiness ventures.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us