Pinalawig na moratorium sa pagbabayad ng utang ng mga ARB, pinuri

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapurihan ni House Speaker Martin Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa paglagda nito sa Executive Order na magpapalawig ng dalawang taon pa sa moratorium sa pagbabayad utang ng mga agrarian reform beneficiary na hindi sakop ng bagong New Agrarian Emancipation Act (NAEA).

Sa ilalim ng naturang kautusan, palalawigin ang moratorium ng hanggang September 15, 2025 kung saan 129,059 ARBs ang makikinabang.

Sila yung mga hindi nakapasok sa cut-off period para mapasama sa debt condonation salig sa RA 11953.

“The extension of the moratorium on the payment of the amortization and principal on the debt of our agrarian reform beneficiaries is a demonstration of the commitment of the administration of President Marcos to their welfare and the growth of our agricultural sector,” ani Romualdez.

Kasabay nito ay kinilala din ni Speaker Romualdez ang Department of Agrarian Reform sa maagang pagsusumite ng Implementing Rules and Regulations ng NAEA.

Labinlimang araw na mas maaga mula sa itinakdang deadline ay natapos ito ng DAR.

“DAR’s early submission of the IRR is a significant step towards fulfilling the promise of the New Agrarian Emancipation Act to uplift the life of our farmers, revitalize our agricultural sector, and provide affordable food for every family,” dagdag niya.

Una nang sinabi ni Romualdez na makatutulong ang naturang batas para makamit ng bansa ang pagiging rice sufficient ng bansa sa pamamagitan ng pagpapalakas sa produksyon ng mga magsasaka at mapagbuti ang kanilang buhay. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us