Pinsala sa agrikultura bunsod ng pag-ulan at pagbaha na tumama sa Zamboanga City, umabot na sa higit P3-M

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa P3,738,763 ang pinsala sa sektor ng agrikultura bunsod ng naranasang pag-ulan na naging sanhi ng pagbaha noong ika-23 hanggang ika-25 ng Agosto sa Zamboanga City.

Maliban dito, nasa 81 na mga magsasaka rin ang naapektuhan ayon sa City Agriculturist Office.

Umabot sa 48.77 na ektarya ng palay, mais, gulay at prutas ang nasira kung saan 39.52 na ektarya dito ay totally-damaged habang 9.35 na ektarya naman ang maituturing na partially-damaged.

Base sa assessment report noong ika-29 ng Agosto, ang mga barangay na mayroong malaking pinsala ay ang Tulungatung, Vitali, Bunguiao, Bolong, Quiniput, Curuan, Latuan, Sibulao at Manicahan.

Patuloy naman ang koordinasyon ng City Agriculturist Office sa mga barangay lalo na sa mga apektadong magsasaka bilang paghahanda para sa programa na naglalayon upang makapagpamigay ng ayuda sa mga ito.| ulat ni Bless Eboyan| RP1 Zamboanga

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us