Halos 2 bilyong piso na ang halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura ng magkakasunod na bagyo.
Batay ito sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Umakyat sa mahigit 895 milyong piso ang halaga ng pinsala sa imprastraktura, kung saan naapektuhan ang 126 imprastraktura sa Ilocos Region, Cagayan Valley, MIMAROPA, Western Visayas at Cordillera Administrative Region (CAR).
Habang 1,544 kabahayan ang napinsala ng bagyo, kung saan 265 ang totally damaged at 1,279 ang partially damaged.
Lumobo naman sa mahigit 959 milyong piso ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa Cagayan Valley, Central Luzon, MIMAROPA, Western Visayas at CAR.
Umabot na sa 34,303 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa bagyo. | ulat ni Leo Sarne