Mula sa higit kalahating milyong piso, umangat pa sa Php 898.4 Million ang halaga ng pinsala sa agrikultura dulot ng bagyong #GoringPH at Habagat.
Batay sa pinakahuling ulat ng Department of Agriculture (DA), pinakahuling naitalang pinsala ay mula sa Cagayan Valley at Western Visayas.
Abot na sa 39,011 metric tons ang production loss mula sa 34,979 ektarya ng agricultural lands.
Kabilang sa pananim na nangasira ay ang palay ,mais, high value crops, livestock at poultry.
Lumobo na rin sa 24,457 ang bilang ng mga magsasaka ang naapektuhan ng perwisyo ng bagyo.
Pagtiyak ng DA na mayroon na silang nakahandang interbensyon para sa mga magsasaka at mangingisda na sinalanta ng sama ng panahon.| ulat ni Rey Ferrer