Hindi natuloy ang pagsalang sa plenaryo ng panukalang 2024 budget ng Office of the Vice President at Department of Education ngayong araw.
Batay sa schedule, matapos ang Office of the President ay dapat isusunod ang OVP at DepEd, ngunit inuna ang ibang executive offices at Department of Environment and Natural Resources.
Nang matanong naman ni Deputy Minority Leader France Castro sa plenaryo kung matutuloy pa ba ang pagharap ng OVP at DepEd, sinabi ni Deputy Majority Leader Janette Garin na bukas ng tanghali na lang sasalang sa plenary deliberations ang OVP at DepEd.
Batay aniya sa abiso ng OVP mayroong conflict of schedule sa kanilang parte dahil sa prior commitment ngunit wala na aniyang iba pang detalyeng naibahagi patungkol dito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes