PNP-ACG, nagbabala sa bagong modus ng mga scammer gamit ang di rehistradong SIM card

Facebook
Twitter
LinkedIn

May bagong modus ang mga scammer gamit ang mga hindi rehistradong SIM card.

Ayon kay Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) Director Police Brigadier General Sydney Sultan Hernia, bumibili ang mga scammer ngayon ng mga sariwang hindi-rehistradong SIM card na walang intensyong iparehistro ang mga ito.

Paliwanag ni Hernia, ang naturang mga SIM card ay walang outgoing call and text habang hindi rehistrado, pero pwedeng tumanggap ng call at text.

Ginagamit aniya ito ng mga scammer sa pagkuha ng mga one-time-pin (OTP) para sa pagbubukas ng account sa mga popular na social messaging app tulad ng WhatsApp, Telegram, at Viber.

Ito aniyang mga account na ito ang ginagamit ng mga scammer sa pagpapadala ng spam messages, links, at iba pang scam sa mga biktima.

Sa pamamagitan aniya ng ganitong “over the top” (OTT) messaging ay nalulusutan ng mga scammer ang mga telecom companies, at nagagawa pa rin nila na manatiling “anonymous,” sa kabila ng SIM Registration Law.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us