PNP Chief, lumagda sa ‘Wall of Peace’ sa paggunita ng National Peace Consciousness Month

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda sa “Wall of Peace” si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa isinagawang Armed Forces of the Philippines (AFP) Peace Symposium ngayong umaga sa Camp Aguinaldo.

Kasama ng PNP Chief na lumagda sa “Wall of Peace” si Presidential Assistant Wilben Mayor ng Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU), at Assistant Secretary Ria Daniella Lumapas na kumatawan kay Special Assistant to the President Secretary Antonio Lagdameo.

Sa kanyang mensahe, tiniyak ni Gen. Acorda ang buong supporta ng PNP sa prosesong pangkapayapaan.

Sinabi ng PNP chief na “united” ang PNP sa “peace building efforts” ng AFP, na naayon sa kanyang programang “serbisyong nagkakaisa”.

Nagpasalamat din si Gen. Acorda sa lahat ng stakeholders sa pagsulong ng kapayapaan, kasabay ng pagbibigay diin na ang kapayapaan ay responsibilidad ng lahat ng mamayan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us