Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga bagong panumpang heneral ng Philippine National Police (PNP) na maging inspirasyon sa kanilang hanay, magsimula at magsulong ng pagbabagong minimithi ng pamahalaan para sa Pilipinas.
“I expect you to always lead by example and ensure that every officer and every personnel under your command adheres to the highest standards and principles that we have set for them.” —Pangulong Marcos.
Sa oath taking ceremony ng mga 57 PNP general sa Palasyo, sinabi ng pangulo na dapat panatilihin ng nga ito ang integridad sa lahat ng pagkakataon, at manatiling committed sa pagsisilbi ng tapat sa bansa.
Binigyang diin rin ng pangulo na walang puwang sa kaniyang administrasyon ang mga police na aabuso sa kapangyarihan at posisyon.
“Aasahan ko ang pakikiisa ninyo sa ating mithiin na makilala ang sambayanan ng bagong mukha, ng bagong Pilipinas sa inyong mga katauhan, marangal, mabilis umaksyon sa tawag ng pangangailangan, at laging handa maging katuwang ng lipunan tungo sa bagong Pilipinas na ating inaasam.” —Pangulong Marcos.
Sabi ng pangulo, mahirap ang trabaho ng mga pulis na palagi aniyang nakabantay sa seguridad ng taumbayan, kaya bilang mga lider dapat aniyang taglayin ng mga ito ang pinakamataas na pamantayan ng pagiging mabuting alagad ng batas.
“Hindi madali ang trabaho ng pulis. Napakahirap talaga kung iisipin natin. Ngunit ang tinitignan ng ating mga kababayan, kapag tinitignan nila ang ating mga kapulisan ay nandyan kayo at kayo ay tumutulong at nakktiyak sila na ang kanilang seguridad ay inyong binabantayan.” —Pangulong Marcos.
Kaugnay nito, makakaasa aniya ang mga heneral na ang kaniyang administrasyon, palaging nakasuporta sa kanilang hanay.
“As president, I assure you this administration is always supportive of the PNP’s plans and programs especially those that bolster your capability. As you perform your duties in securing our people, you and your families can rest assured of the government’s full support of your welfare and overall wellbing.” —Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan