PNP, kumpiyansang makukumbinsi ang ilang pamilya ng nawawalang mga sabungero na muling ipursige ang kaso kasunod ng bagong development

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa ang Philippine National Police (PNP) na mabubuhayan muli ng loob ang ilan sa pamilya ng mga nawawalang sabungero para ipursige ang paghahanap ng katarungan para sa kanilang mga kaanak.

Ito’y makaraang masakote ng Pulisya ang anim sa mga itinuturong suspek sa umano’y pagdukot sa mga naturang sabungero noong isang linggo.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, P/Col. Jean Fajardo, patuloy naman ang kanilang ugnayan sa Department of Justice (DOJ) upang makumbinsi muli ang ilan sa pamilya ng mga nawawalang sabungero na ipursige ang kaso.

Magugunitang ikinabahala kamakailan ng DOJ ang pahayag ng ilan sa pamilya ng mga nawawalang sabungero na huwag nang ituloy ang kaso dahil sa kawalan ng pag-asang makakapiling pa nila ng buhay ang kanilang mahal sa buhay.

Bagaman aminado si Fajardo na matipid ang naging sagot ng mga naarestong suspek sa kaso, hindi naman aniya sila tumitigil sa paghahanap ng mahahalagang impormasyon hinggil sa estado ng mga biktima.

Gayunman, sinabi ni Fajardo na sa pagpapatuloy nito ay umaasa ang PNP na unti-unti nang mabubunyag ang katotohanan na magdadala naman sa kung sino ang mastermind dito.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us