PNP, may lead na sa kasong pagpatay sa isang human rights lawyer sa Abra

Facebook
Twitter
LinkedIn

May hawak nang lead ang pulisya sa kaso ng pinaslang na human rights lawyer sa Bangued, Abra.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda, bagama’t tumanggi muna siyang idetalye ang impormasyon.

Huwebes ng hapon nang pagbabarilin ng riding in tandem si Atty. Maria Saniata Liwliwa Gonzales Alzate habang nasa loob ng kanyang sasakyan sa may harapan ng kanyang bahay.

Agad namang bumuo ng Special Investigation Task Group ang Abra Police para tutukan ang imbestigasyon.

Alinsunod ito sa utos ng PNP Chief para mapabilis ang pagresolba sa pagpaslang sa abogado. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us