Pinangunahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang presentasyon ng panukalang budget ng Office of the President para sa 2024.
Lagpas sampung minuto ang tinagal ng budget briefing ng OP.
Si Abra Rep. Ching Bernos ang nag-mosyon na i-terminate ang budget briefing bilang kurtesiya sa ehekutibo na co-equal branch.
Pinagbigyan naman ng pagkakataon ang miyembro ng Makabayan bloc na ilatag ang kanilang manipestasyon.
Kabuuang P10.707 billion ang panukalang budget ng OP para sa susunod na taon.
Nagkaroon ng 17.9% na pagtaas sa budget ng OP kumpara sa pondo nito ngayong 2023 na nasa P9 billion lang.
Bahagi naman ng budget adjustments ng OP ang pagkonsidera sa pag-alis sa travel restrictions at pagdalo sa iba’t ibang presidential engagements gayundin ang pagtanggap ng mga imbitasyon ng iba’t ibang foreign leaders na bumisita sa kanilang bansa.
Binigyang diin naman ni Appropriations Committee Chair Elizaldy Co, na hindi lang basta isang posisyon ang pagiging pangulo.
Dahil nagsisilbi itong sentro ng pamamahala ng gobyerno.
Kaya mahalaga ang pondo ng OP para magampanang mabuti ang mandato nito.
“The presidency is not merely a symbolic figurehead or a ceremonial role; rather, it is the epicenter of governance, the fulcrum upon which the entire nation pivots. It is a position laden with responsibilities, obligations, and the immense weight of leadership.”
Malaki naman ang pasasalamat ni Exec. Sec. Bersamin sa mabilis na pag-usad ng kanilang pondo para sa susunod na taon | ulat ni Kathleen Jean Forbes