Pondo para palakasin ang monitoring sa West Philippine Sea, tiniyak ng House Appropriations Committee Chair

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni House Appropriations Committee Chair at AKO BICOL Party-list Representative Elizaldy Co na prayoridad nila sa panukalang 2024 national budget, na mapondohan ang pagpapalakas sa monitoring ng bansa sa West Philippine Sea.

Sa isang panayam sa radyo sinabi ni Co, na batay sa atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez, titiyakin nilang may sapat na confidential at intelligence fund ang mga ahensya, na nakatututok sa pagbabantay sa ating katubigan gaya ng Philippine Coast Guard at ng Philippine Navy sa tinatalakay na 2024 General Appropriations Bill.

Inihalintulad pa ni Co ang nangyayari sa West Philippine Sea sa mga informal settler na nagkukupkop aniya ng lupa –na kung papabayaan, ay tuluyan nang aangkinin at sasakupin ang ating teritoryo.

Pagtiyak pa ng mambabatas, na desidido ang Marcos Jr. Administration na walang teritoryo ng bansa ang aangkinin ng sinomang dayuhan. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us