Committed ang economic managers na suportahan ang batas sa free college education.
Ito ang tugon ni House Appropriation Vice Chair Stella Luz Quimbo na siya ring sponsor ng budget sa naging suhestiyon ni Northern Samar Representative Paul Daza, na dapat suportahan ng 2024 budget ang libreng matrikula sa kolehiyo kasunod ng naging unang pahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno.
Ayon kay Quimbo, kabilang ang edukasyon sa nakakuha ng malaking budget sa 2024 appropriations.
Titiyakin aniya nila na “sufficient” ito para mapondohan ang batas para sa pag-aaral ng mga kabataan.
Kabilang din aniya sa budget increase para sa social protection programs ng pamahalaan ay ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program, social pension ng mga senior citizen, at school-based feeding program. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes