Pondo para sa fuel subsidy ng PUV operators, na-download na sa Land Bank – LTFRB

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na downloaded na ang pondo sa Land Bank of the Philippines para sa fuel subsidy ng public utility vehicles (PUVs).

Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, nasa proseso na ang Land Bank sa pamamahagi ng fuel subsidy sa mga operator ng PUV.

Nakadepende na rin sa kanila kung paano pabibilisin ang disbursement ng subsidiya sa mga PUV beneficiary.

Ngayong araw may 5 % hanggang 10% pa lang ng PUV operators ang nakakuha ng kanilang fuel subsidy.

Ito ay mula sa inisyal na P50,000 beneficiaries na isinumite ng LTFRB sa Land Bank, para malagyan na ng pondo ang kanilang Pantawid Pasada card.

Hanggang Biyernes, sisikapin ng LTFRB na makumpleto ang isusumiteng listahan ng kabuuang 280,000 PUV operators para mabigyan ng subsidiya.

Samantala, kinumpirma din ni Guadiz, na asahan na rin ang dagdag-singil sa pasahe bago matapos ang taon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us