Positibong pagtaya ng IMF sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas, welcome kay Speaker Romualdez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ni Speaker Martin Romualdez ang pagtaya ng International Monetary Fund (IMF) na lalago pa ang ekonomiya ng Pilipinas sa ikalawang bahagi ng taon at lalo pang aarangkada sa 2024.

Nakaharap ni Romualdez sa pulong ang IMF team na bumisita sa bansa sa pangunguna ni Jay Pereis.

Aniya magsisilbi itong inspirasyon at hamon sa pamahalaan para makapagpatupad ng mga polisiya upang tuluyang makabangon mula sa naging epekto ng nagdaang pandemiya.

“This forecast is not only encouraging but also a testament to the resilience and hard work of our nation’s people, as well as the sound economic policies and reforms implemented by the administration of President Ferdinand R. Marcos, Jr…This positive outlook from the IMF should serve as motivation for us all to redouble our efforts in revitalizing our economy. It is a reminder that our nation has the potential to rebound and emerge stronger from any adversity,” ani Romualdez.

Ayon pa sa IMF team, may malaking impact din ang pagpasa ng 2024 national budget sa tamang oras dahil mailalabas agad ang mga pondo sa unang quarter ng 2024 at mao-offset ang mababang paggasta ng pamahalaan.

Tiwala din ang IMF na oras na maisabatas ang amyenda sa Build Operate Transfer Law at ang Mining Fiscal Regime ay mas magiging attractive ang Pilipinas bilang investment destination.

Payo naman ng IMF na simulan na ng Pilipinas ang pagsasanay sa workforce nito lalo ang BPO industry kaugnay sa paggamit ng artificial intelligence.

Kailangan lang din anila na ayusin at pabilisin ang pagproseso ng permit at dokumento sa mga negosyo at paglaban sa money laundering.

Aminado  naman si Romualdez na marami pang dapat gawin upang mas mapaganda ang investment climate ng bansa at palakasin ang ating economic resilience mula sa external shocks. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us