Prangkisa ng mga palpak na electric cooperative, pinakakansela ng ilang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal na naghain ng resolusyon si ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo kasama ang ilan pang mambabatas, para magkasa ng imbestigasyon at silipin ang prangkisa ng mga electric cooperative.

Sa ilalim ng House Resolution 1302, rerepasuhin ang prangkisa ng electric cooperatives bunsod ng napakaraming reklamo kaugnay sa kanilang palpak na serbisyo.

“Sa kabila ng mga reklamo ng brownout o kawalan ng kuryente ay patuloy pa rin naman ang pagbibigay ng pangit na serbisyo ng mga electric cooperative na ito sa kanilang mga naseserbisyuhan at nagtitiis na ang ang taumbayan. The dismal performance of these electric cooperatives underscores the need to explore alternatives, such as the establishment of new electric cooperatives or other models for the provision of electricity in these areas, to address the long-standing issues that have plagued the residents and businesses” saad ni Tulfo.

Ayon pa sa mambabatas, kung magkaroon ng sapat na basehan ay maaaring kanselahin na ang kanilang prangkisa at papasukin na lang ang bagong electric cooperative at power companies.

“Maraming mga electric cooperatives ngayon na gusto at handang magbigay ng kuryente sa lugar na panay ang brownout pero hindi nabibigyan ng pagkakataon dahil sa mga existing franchise ng mga walang kakwenta-kwentang nabanggit na power companies,” dagdag pa ni Tulfo. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us