Pransya, handang tumulong sa pagbuo ng “submarine force” ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng suporta ang Pransya sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Program at kahandaang tumulong sa pagbuo ng “submarine force” ng Pilipinas.

Ito ang ipinaabot ni French Ambassador-designate to the Philippines Marie Fontanel-Lassalle kay Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa pagbisita ng embahador sa DND Headquarters sa Camp Aguinaldo.

Sa pagpupulong ng dalawang opisyal, sinabi ng embahador na inaasahan niya ang patuloy na pagyabong ng relasyon ng Pilipinas at Pransya sa pagbubukas kamakailan ng kanilang bagong Defense Mission sa bansa.

Malugod namang tinanggap ni Sec. Teodoro ang pakikiisa ng Pransya sa Pilipinas sa pagtataguyod ng rules-based international order alinsunod sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Napag-usapan din ng dalawang opisyal ang nakalipas na joint-sail ng Pilipinas at Estados Unidos sa West Philippine Sea at ang posibleng pagpalitan ng bisita ng mga defense minister ng Pilipinas at Pransya. | ulat ni Leo Sarne

📷: DND

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us