Pre-registered SIM cards, gamit ng mga sindikato para muling makapanloko — DICT

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na may sindikato sa likod ng muling paglaganap ng text scam sa kabila ng ilang milyong SIM cards na ang nairehistro.

Ito ang tugon ng DICT sa harap ng House Appropriation Committee sa deliberasyon ng kanilang panukalang budget sa susunod na taon.

Kinuwestyon ng Kabataan arty-list representative ang DICT kung bakit sa kabila ng katatapos na SIM card registration ay naglipana pa rin ang mga text scam.

Paliwanag ni Cybercrime Investigation and Coordinating Center, CICC Executive Director Alexander Ramos, nadiskubre nila ang ilang organized syndicates na bumibili ng mga pre-registered SIM cards at ito ay kanila nang tinalakay sa telecommunication companies upang masolusyunan ang isyu.

Dagdag pa ng opisyal, may mga bagong makinarya na dumating sa bansa na nakakagawa ng test blaster kahit na hindi kailangan ng SIM cards kaya patuloy ang kanilang koordinasyon sa Bureau of Customs.

Sa ngayon, base sa datos ng National Telecommunication Commission, nasa 118 million subscribers ang nakapagparehistro ng kanilang mga SIM card.

Hinikayat ng opisyal ang publiko na i-report agad kung makakatanggap sila ng mga text scam upang matulungan ang awtoridad na matuntunan ang source.

Base sa datos, ang mga pinanggagalingan ng text scams ay sa ilang bahagi ng Mindanao at Quezon City habang gamit ang artificial intelligence ay nililinis nila sa ngayon ang tunay na registered SIMs sa mga pekeng nakarehistrong pangalan. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us