Pres. Marcos Jr, hinikayat ang mga Pinoy scientist na magbalik bansa sa harap ng pinalalakas na innovation sa larangan ng kalusugan, siyensya, teknolohiya, iba pa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga siyentipikong Pinoy na nasa abroad na magbalik bansa na sa ilalim na din ng Balik Scientist Program.

Ang panawagan ay ginawa ng Chief Executive habang pinalalakas aniya ng pamahalaan ang innovation research sa larangan ng health, science, and technology sa pamamagitan ng FILIPINNOVATION.

Paniniguro ng Presidente na may nakalaang pondo para sa pagpapatupad ng innovation grants sa mga pangunahing programa para sa Balik Scientist Program.

Sa kasalukuyan, ayon sa Pangulo, ay nasa ika-59 na puwesto ang Pilipinas kung pag-uusapan ay Global Innovation Index (GII) rankings.

Ang target aniya ng kanyang administrasyon ay umangat ang Pilipinas at mapabilang sa top one-third economy sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2028. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us